WHAT WE DO
SERVICES
Deposits
Savings Deposits and Time Deposits are two of the services we offer to all our members and special depositors.
Loans
Whether you need to build your credit history or you want to buy your first house, our local lenders are ready to work with you.
Insurance
Let us help plan your future. We help members find life insurance that won’t break their budget.
Venues For Rent
Choose from a different venue choices for your upcoming event.
Online Loan App & Packaging
Great news SDCC Members! Loan Application and Loan Packaging are now available online!
Botica De San Dionisio
Shop for all your groceries and pharma needs and enjoy safe and secure transactions.






















Our Member's Voices
At San Dionisio Credit Cooperative, the heart of our story is told through our members. Their experiences of trust, growth, and shared success show how we move forward together as one community.
Ang kooperatiba ang naging katuwang ko sa bawat hakbang ng aking pag-unlad. Bukod dito, nakapagpundar din ako ng labing-isang pintong paupahan sa mga lugar ng Sto. Niño at Fortunata. Laking tulong ng Kooperatiba hindi lamang pagpapautang, kundi pati na rin sa mga oportunidad na ibinigay nila upang mag-invest at magtayo ng negosyo. Maraming salamat sa ating kooperatiba. Hanggang ngayon, tinatanaw ko ang malaking utang na loob ko sa kanila. Kung hindi dahil sa kooperatiba, hindi ko mararating ang mga tagumpay na ito."

San Dionisio Credit Cooperative”Fernando Calderon, Member since 2010
Hindi lang sa negosyo ako tinulungan ng kooperatiba. Dahil sa mga loan na aking natamo mula sa Kooperatiba, nagkaroon kami ng kakayahang makabili ng sasakyan, na naging malaking tulong sa aming araw-araw na pamumuhay at negosyo. Sa totoo lang, marami talagang naitulong ang San Dionisio Credit Cooperative sa amin. Ang kooperatiba ang naging sandigan ko upang matupad ang aking mga pangarap, at wala akong ibang masasabi kundi ang labis na pasasalamat. Maraming salamat, San Dionisio Credit Cooperative, sa inyong walang sawang suporta!"

Ang Kwento ng Pagbabago sa Tulong ng Kooperatiba”Raquel Austria, Member for 47 years
Sa tulong ng kooperatiba, unti-unti kong napalaki ang aking ipon at nakapagpatayo ng 31 pintong paupahan. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Kung hindi dahil sa Kooperatiba, siguro hanggang ngayon, dalawa lang ang paupahan ko, at ang mga iyon pa ang katas ng aking pag-abroad. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at sa pagtulong sa mga pangarap ko!"

Mula sa Savings Hanggang sa 31 Pintong Paupahan”Imelda Hilario, Member for 10 years
Tinangkilik ko ang microloan na inaalok ng SDCC, at sa kanilang tulong, napanatili at napaunlad ko ang aking maliit na gulayan na dati ay nasa sidewalk lamang. Ngayon, may dalawa na akong pwesto ng gulayan na patuloy na lumalago. Bilang isang regular na miyembro ng SDCC, tinulungan nila ako upang makapagpundar ng isang barbershop. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Hindi ko alam kung paano ko maaabot ang mga pangarap ko kung wala ang SDCC."

Ang Kwento ng Aking Pag-unlad”Marilyn Asequia, Member
Sa pamamagitan ng VCD, nagkaroon ako ng pagkakataon na kumita. Ang VCD ay naghatid ng mga order ko, kabilang na ang mga groceries at bigas, diretso sa aming bahay. Hindi lang ito nakatulong sa aming pang araw-araw na pangangailangan, kundi mas malaking tulong pa ang pagbibigay nila ng palugit na isang buwan para makabayad. Lubos ang aming pasasalamat sa SDCC at sa VCD dahil sa kanilang walang sawang suporta at pagtulong sa amin sa mga panahong iyon."

at Value Chain Distribution (VCD)”Rosa Santos, Member for 21 years
Bukod pa rito, nakapagpatayo kami ng maliit na tindahan na naging karagdagang pagkakakitaan. Ang puhunan na nakuha ko mula sa SDCC ay nagbigay daan sa amin upang magkaroon ng negosyo na makakatulong sa aming pang-araw-araw na pangangailangan. Sa kasalukuyan, mayroon na rin po kaming sariling sasakyan, na naging malaking tulong sa amin, lalo na kapag kami ay uuwi sa probinsya. Hindi na kami nahihirapan sa pagbiyahe, at nagiging mas maginhawa ang aming mga paglalakbay. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Dahil sa inyo, nagkaroon kami ng mas maginhawang buhay at mga oportunidad na hindi namin akalain na magiging posible."

Ang Pagkakataong Dinala ng San Dionisio Credit Cooperative”Marilou Caranto, Member for 14 years

sa Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative”Rosalinda Demafelis, Member for 22 years
Ngayon, mayroon na kaming sari-sari store, at ito rin ay dahil sa tulong ng SDCC. Nagpapasalamat din ako sa Coop NATCCO Partylist dahil isa ako sa mga napili upang makatanggap ng ayuda at mapasama sa programang TUPAD. Ang mga ganitong oportunidad ay malaking tulong sa amin, lalo na sa mga panahong may pangangailangan. Ang SDCC ay hindi lamang isang kooperatiba, ito rin ay isang samahan na laging handang magbigay ng tulong sa mga miyembro. Kapag kami ay may problema, andiyan sila upang magbigay ng payo at gabay kung ano ang dapat gawin. Laging may malasakit ang kooperatiba sa bawat isa sa amin, kaya’t lubos ang aming pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta."

Ang Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative”Lydia Del Rosario, Member for 13 years
Malaki ang pasasalamat ko sa San Dionisio Credit Cooperative, hindi lang dahil sa kanilang mabilis na prosesong loan at magaan na paghuhulog, kundi dahil sa patuloy nilang pag-aalaga sa mga kasapi. Bukod pa rito, natulungan din kami ng SDCC na makabili ng bahay at lupa sa Las Piñas, isang pangarap na naging posible dahil sa kooperatiba. Sa lahat ng ito, walang katumbas ang aming pasasalamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Sila ay naging katuwang namin sa bawat hakbang ng aming pag-unlad, at kami ay patuloy na umaasa sa kanilang mga serbisyo at suporta."

Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative”Carmen Guevarra, Member for 51 years
Bukod sa pagpapaaral ng mga anak, malaki rin ang naging kontribusyon ng SDCC sa pagpapalago ng aming negosyo. Nang mag-renew kami ng loan, ginamit namin ang pondo upang makabili ng maraming sasakyan na ginagamit sa aming transport service. Sa tulong ng kooperatiba, lumago ang aming negosyo, at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang SDCC sa pagbibigay ng suporta sa amin. Kami ay humihiram mula sa kooperatiba upang magkaroon ng sapat na working capital para sa aming negosyo. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Sa inyong patuloy na suporta, naging posible ang mga bagay na akala namin ay mahirap abutin."

sa Pagpapabuti ng Buhay at Negosyo”Francisca Dellosa, Member for 27 years
Hindi lang sa negosyo kami tinulungan ng SDCC, kundi pati na rin sa pagpapaganda ng aming tahanan. Ang bahay namin ay ipinarenovate sa tulong ng SDCC, kaya't naging mas magaan at komportable ang aming pamumuhay. Bukod dito, nakatulong din ang SDCC sa pag-aaaral ng aming mga anak. Sa pamamagitan ng kanilang mga loan programs, natulungan kami sa pagbabayad sa kanilang tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan. Ang SDCC ay naging katuwang namin sa pagbuo ng magandang kinabukasan para sa aming pamilya. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative."

sa Pag-unlad ng Pamilya at Negosyo”Nancy Pagador, Member for 27 years