SDCC Youth Study Visit – Lamac Multi-Purpose Cooperative
Ni: Venus B. Zarate
Nabigyang pagkakataong maglakbay-aral sa Lamac Multi-Purpose Cooperative sa Cebu ang mag-aaral ng EDSD na si Jane Pauline D. Bautista at kanyang Gurong-Tagapayo na si Gng. Venus B. Bersales noong ika-10 ng Pebrero 2023. Si Jane Pauline ay ang Tagapangulo ng Lupong Patnugutan ng Escuela de San Dionisio (EDSD) Laboratory Cooperative. Siya ay nakibahagi sa “NATCCO Learning Study Visit Lamac MPC Youth Planet Laboratory Cooperative” na ginanap sa Pinamungahan, Cebu upang matutunan ang best practices ng nasabing kooperatiba kung kaya ito ay naging matagumpay at umunlad kasama ang kanilang pamayanan. Nalaman niya ang kasaysayan ng Kooperatiba at mga programang ipinatutupad upang makatulong sa kanilang pamayanan. Ang kawili-wili sa lahat ay ang pagkakaroon ng sariling water buffalo farm na kung saan ang gatas mula sa mga alagang kalabaw ay ginagamit sa paggawa ng mga value-added products tulad ng “Mangobao” Juice Drink, Ice Cream at tinapay. Nagkaroon pa si Jane Pauline ng “hands on experience” sa paggawa ng tinapay na gatas ng kalabaw ay isang pangunahing sangkap. Naging makabuluhan kina Jane Pauline at Gng. Venus ang lakbay aral na ito dahil sila ay aktibong nakilahok at natuto. Marami silang maibabahagi sa ating Koopertiba at sa kanilang paaralang EDSD pagbalik sa Parañaque.
Jane Pauline D. Bautista, an EDSD student together with her adviser, Ms. Venus B. Bersales were given the opportunity for a study-visit to the Lamac Multi-Purpose Cooperative in Cebu last February 10, 2023. Jane Pauline is the Chairperson of the Board of Directors of Escuela de San Dionisio (EDSD) Laboratory Cooperative. She participated in the “NATCCO Learning Study Visit Lamac MPC Youth Planet Laboratory Cooperative” that was held in Pinamungahan, Cebu to learn its best practices that brought them success and development together with their community.
She learned about the history of the Cooperative and the programs implemented to develop their community. Most interesting was their own water buffalo farm where the milk from the carabaos are made into value added products like “Mangobao” Juice Drink, Ice cream and bread. Jane Pauline even had “hands on experience” in breadmaking using carabao’s milk as main ingredient. It was an enriching study visit for Jane Pauline and Ms. Venus because they participated actively and learned. There is much that they can share to our Cooperative and their school, EDSD, back in Parañaque.