SDCC Testimonials: Mga Boses ng Aming mga Miyembro
SDCC Testimonials ang tahanan ng mga tunay na kwento ng mga miyembro ng San Dionisio Credit Cooperative. Sa pahinang ito, mababasa mo kung paano nakatulong ang kooperatiba sa pagpapaaral ng mga anak, pagpapalago ng negosyo, at pagpapabuti ng pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya. Bawat kwento ay mula mismo sa miyembro, at ipinapakita nito ang tiwala at pagtutulungan na pinagbabatayan ng SDCC.
Bakit Mahalaga ang mga SDCC Testimonials
Para sa isang kooperatiba, ang pinakamabisang patunay ay ang karanasan ng sarili nitong mga miyembro. Ang mga SDCC Testimonials na mababasa mo rito ay hindi iskrip o patalastas. Ito ay mga salaysay ng mga taong araw-araw na nakikinabang sa mga loan program, serbisyo, at pagkakaisa ng kooperatiba. Sa pamamagitan ng mga kwentong ito, makikita mo kung paano kumikilos ang SDCC bilang isang komunidad na sabay-sabay na sumusulong.
Mga Kwento ng Aming mga Miyembro
Ang kooperatiba ang naging katuwang ko sa bawat hakbang ng aking pag-unlad. Bukod dito, nakapagpundar din ako ng labing-isang pintong paupahan sa mga lugar ng Sto. Niño at Fortunata. Laking tulong ng Kooperatiba hindi lamang pagpapautang, kundi pati na rin sa mga oportunidad na ibinigay nila upang mag-invest at magtayo ng negosyo. Maraming salamat sa ating kooperatiba. Hanggang ngayon, tinatanaw ko ang malaking utang na loob ko sa kanila. Kung hindi dahil sa kooperatiba, hindi ko mararating ang mga tagumpay na ito."
San Dionisio Credit Cooperative”
Hindi lang sa negosyo ako tinulungan ng kooperatiba. Dahil sa mga loan na aking natamo mula sa Kooperatiba, nagkaroon kami ng kakayahang makabili ng sasakyan, na naging malaking tulong sa aming araw-araw na pamumuhay at negosyo. Sa totoo lang, marami talagang naitulong ang San Dionisio Credit Cooperative sa amin. Ang kooperatiba ang naging sandigan ko upang matupad ang aking mga pangarap, at wala akong ibang masasabi kundi ang labis na pasasalamat. Maraming salamat, San Dionisio Credit Cooperative, sa inyong walang sawang suporta!"
Ang Kwento ng Pagbabago sa Tulong ng Kooperatiba”
Tinangkilik ko ang microloan na inaalok ng SDCC, at sa kanilang tulong, napanatili at napaunlad ko ang aking maliit na gulayan na dati ay nasa sidewalk lamang. Ngayon, may dalawa na akong pwesto ng gulayan na patuloy na lumalago. Bilang isang regular na miyembro ng SDCC, tinulungan nila ako upang makapagpundar ng isang barbershop. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Hindi ko alam kung paano ko maaabot ang mga pangarap ko kung wala ang SDCC."
Ang Kwento ng Aking Pag-unlad”
Sa tulong ng kooperatiba, unti-unti kong napalaki ang aking ipon at nakapagpatayo ng 31 pintong paupahan. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Kung hindi dahil sa Kooperatiba, siguro hanggang ngayon, dalawa lang ang paupahan ko, at ang mga iyon pa ang katas ng aking pag-abroad. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at sa pagtulong sa mga pangarap ko!"
Mula sa Savings Hanggang sa 31 Pintong Paupahan”
Bukod pa rito, nakapagpatayo kami ng maliit na tindahan na naging karagdagang pagkakakitaan. Ang puhunan na nakuha ko mula sa SDCC ay nagbigay daan sa amin upang magkaroon ng negosyo na makakatulong sa aming pang-araw-araw na pangangailangan. Sa kasalukuyan, mayroon na rin po kaming sariling sasakyan, na naging malaking tulong sa amin, lalo na kapag kami ay uuwi sa probinsya. Hindi na kami nahihirapan sa pagbiyahe, at nagiging mas maginhawa ang aming mga paglalakbay. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Dahil sa inyo, nagkaroon kami ng mas maginhawang buhay at mga oportunidad na hindi namin akalain na magiging posible."
Ang Pagkakataong Dinala ng San Dionisio Credit Cooperative”
Sa pamamagitan ng VCD, nagkaroon ako ng pagkakataon na kumita. Ang VCD ay naghatid ng mga order ko, kabilang na ang mga groceries at bigas, diretso sa aming bahay. Hindi lang ito nakatulong sa aming pang araw-araw na pangangailangan, kundi mas malaking tulong pa ang pagbibigay nila ng palugit na isang buwan para makabayad. Lubos ang aming pasasalamat sa SDCC at sa VCD dahil sa kanilang walang sawang suporta at pagtulong sa amin sa mga panahong iyon."
at Value Chain Distribution (VCD)”
Sa totoo lang, noong una, natatakot akong umutang sa SDCC. Takot ako na baka maging delingkwente at mawalan ako ng kredibilidad sa kooperatiba. Ayaw namin na masira ang aming pangalan sa SDCC, dahil napakahalaga sa amin ang kanilang tiwala. Alam namin na ang pagiging responsable sa pagbabayad ay isang malaking bahagi ng pagiging kasapi, at gusto naming manatiling kagalang-galang sa kooperatiba. Kahit na kami ay mag-asawa na at medyo senior na, lubos ang aming pasasalamat sa SDCC dahil patuloy pa rin nilang ipinagkakatiwala ang mga oportunidad sa amin. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Ang inyong patuloy na suporta at tiwala ay malaking bahagi ng aming pag-unlad at tagumpay."
sa Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative”
Malaki ang pasasalamat ko sa San Dionisio Credit Cooperative, hindi lang dahil sa kanilang mabilis na prosesong loan at magaan na paghuhulog, kundi dahil sa patuloy nilang pag-aalaga sa mga kasapi. Bukod pa rito, natulungan din kami ng SDCC na makabili ng bahay at lupa sa Las Piñas, isang pangarap na naging posible dahil sa kooperatiba. Sa lahat ng ito, walang katumbas ang aming pasasalamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Sila ay naging katuwang namin sa bawat hakbang ng aming pag-unlad, at kami ay patuloy na umaasa sa kanilang mga serbisyo at suporta."
Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative”
Ngayon, mayroon na kaming sari-sari store, at ito rin ay dahil sa tulong ng SDCC. Nagpapasalamat din ako sa Coop NATCCO Partylist dahil isa ako sa mga napili upang makatanggap ng ayuda at mapasama sa programang TUPAD. Ang mga ganitong oportunidad ay malaking tulong sa amin, lalo na sa mga panahong may pangangailangan. Ang SDCC ay hindi lamang isang kooperatiba, ito rin ay isang samahan na laging handang magbigay ng tulong sa mga miyembro. Kapag kami ay may problema, andiyan sila upang magbigay ng payo at gabay kung ano ang dapat gawin. Laging may malasakit ang kooperatiba sa bawat isa sa amin, kaya’t lubos ang aming pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta."
Ang Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative”
Bukod sa pagpapaaral ng mga anak, malaki rin ang naging kontribusyon ng SDCC sa pagpapalago ng aming negosyo. Nang mag-renew kami ng loan, ginamit namin ang pondo upang makabili ng maraming sasakyan na ginagamit sa aming transport service. Sa tulong ng kooperatiba, lumago ang aming negosyo, at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang SDCC sa pagbibigay ng suporta sa amin. Kami ay humihiram mula sa kooperatiba upang magkaroon ng sapat na working capital para sa aming negosyo. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative. Sa inyong patuloy na suporta, naging posible ang mga bagay na akala namin ay mahirap abutin."
sa Pagpapabuti ng Buhay at Negosyo”
Hindi lang sa negosyo kami tinulungan ng SDCC, kundi pati na rin sa pagpapaganda ng aming tahanan. Ang bahay namin ay ipinarenovate sa tulong ng SDCC, kaya't naging mas magaan at komportable ang aming pamumuhay. Bukod dito, nakatulong din ang SDCC sa pag-aaaral ng aming mga anak. Sa pamamagitan ng kanilang mga loan programs, natulungan kami sa pagbabayad sa kanilang tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan. Ang SDCC ay naging katuwang namin sa pagbuo ng magandang kinabukasan para sa aming pamilya. Maraming salamat sa San Dionisio Credit Cooperative."
sa Pag-unlad ng Pamilya at Negosyo”
Maging Bahagi ng Kwento ng SDCC
Kung nais mong maging susunod na kwento ng tagumpay, bumisita sa pinakamalapit na sangay o alamin kung paano maging miyembro. Basahin ang iba pang SDCC Testimonials at tuklasin kung paano ka matutulungan ng kooperatiba.