San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly

 San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly
Ni: Mary Rose Posada

 Maligayang Buwan ng Kooperatiba!

Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba, ang ika-4 na Employees’ Assembly ng San Dionisio Credit Cooperative na may temang, “Pangalagaan ang kalikasan, Dulot ay kalusugan para sa kinabukasan.” noong ika 16 ng Oktubre, 2022 ay ginanap sa La Mesa Watershed, Quezon City. Ginawang pagkakataon ng mga empleyado ang okasyong ito upang maipakita ang pagkakaisa at pagpapahalaga sa Inang Kalikasan sa kanilang galak sa pagtatanim nang sama sama. Sinundan ito ng masayang salu-salo ng lahat sa tanghalian at pakikilahok sa mga palarong inihanda ng mga pangkat ng HR at OSS. Tunay na naging kasiya-siya at mabunga ang araw na yaon para sa lahat!

Happy Co-op Month!

In celebration of the coop month, San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) – 4th Employees’ Assembly with the theme “Pangalagaan ang kalikasan, Dulot ay kalusugan para sa kinabukasan.” was held last October 16, 2022 at La Mesa Watershed, Quezon City. The employees used the occasion to express their unity and love for Mother Nature by happily planting trees together. They also enjoyed the lunch and games prepared by the HR and OSS teams. It was a very satisfying and productive day for everybody!