Pamaskong Handog ng SDCC: Medical Mission

 SDCC’s Christmas Offering: Medical Mission
Ni: Joanna Esperanza, RSW

Sa panahon man ng pandemya o sa muling pagbabalik sa normal ng buhay, ang SDCC ay patuloy na naglulunsad ng mga serbisyong hindi lamang para sa mga kasapi nito pati na din sa buong pamayanan.
Patunay nito ay ang dalawang magkasunod na ginanap na medical mission. Ang una ay ginanap noong ika-5 ng Oktubre 2022. Isinagawa ito bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba sa pakikipagutlungan ng Parañaque Cooperative Development Office (PCDO), Parañaque City Health Office, San Dionisio Health Center at mga suppliers ng Botica De San Dionisio. May mahigit 150 na katao ang nakapag-pakonsulta nang libre sa mga katuwang ng SDCC na mga doktor. Ang tagumpay ng unang medical mission ang naging inspirasyon upang muling magsagawa ng isa pang medical mission ang SDCC noong ika-16 ng Disyembre 2022. Ito ay nagsilbing Pamaskong handog ng Kooperatiba sa buong kasapian at buong pamayanan.

Sa ikalawang paglulunsad ng medical mission ay muling naging partner ang Parañaque City Health Office at San Dionisio Health Center. Ang Arayata Optical ay isang bagong katuwang na nagbigay ng libreng eye consultation. Kasama din ang masipag na SDCC member na si Pediatric Doctor – Dra. Rosario Del Rosario. Sa tulong-tulong na pagsisikap ng ating Kooperatiba at mga ka-partner nito, muling matagumpay na naisagawa ang ikalawang medical mission na nagbigay pakinabang sa 232 na kasapi at hindi kasapi. Ang mga serbisyong tulad nito ay itataguyod at palalawigin pa ng ating Kooperatiba sa pamamagitan ng patuloy na paghahanap ng mga makakatuwang na mga ahensya, organisasyon o indibiduwal na katulad din natin ang mithiin. Ito ay ang pagpapataas ng antas ng buhay, pagpapanibago sa lipunan at pangangalaga ng kapaligiran.

SDCC continues to provide social services to its members and the community whether during pandemic or normal times. An example of this is the conduct of two consecutive medical missions. The first was held on October 5, 2022 as SDCC’s participation in the Cooperative Month. This was in collaboration with the Parañaque Cooperative Development Office (PCDO),
Parañaque City Health Office, San Dionisio Health Center, and suppliers of Botica De San Dionisio. There were 150 persons who received free consultations from its partner doctors. Inspired by the outcome of the first medical mission, SDCC undertook a second one last December 16, 2002 which became its Christmas Offering to the members and the community.

The Parañaque City Health Office and San Dionisio Health Center partnered with us again during the second medical mission. Arayata Optical was a new partner who conducted free eye consultation. The ever-active Pediatric Doctor member, Dr. Rosario Del Rosario was also with us. The medical mission became successful once again because of the collective efforts of the Koop and its partners to the benefit of 232 members and non-members.

The Cooperative will continue to provide services like this by continuously enjoining agencies, organizations, and individuals with the same aspirations as ours, that is to uplift quality of life, social transformation, and environmental protection.