ang PABANDO

p20b

Ika-61 Anibersarsyo ng SDCC

Patuloy na nalalampasan ng SDCC ang mga pagsubok. Angkop na angkop sa tema ng taong 2022 na “Pagkakaisa sa Gitna ng Kagipitan, Susi sa Katatagan,” sa selebrasyon ng Ika-61 Anibersaryo nito, na isa na namang tagumpay sa kasaysayan ng SDCC.

p19

SDCC, Tumugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral

Pasasalamat para sa muling pagbalik ng Brigada Eskwela pagkatapos ang mahigit dalawang (2) taon ring pagtigil ng pagganap ng ganitong gawain kung saan nagkakaisa ang pamayanan sa pagsasaayos ng mga paaralan bilang paghahanda sa muling pagpasok ng mga mag-aaral. Nahinto ang pagdaraos ng “face-to face” na pag-aaral ng mga bata dulot ng Pandemya, kaya nahinto rin ang pagkakaroon ng Brigada Eskwela.

p18

Tara na, Sumapi na tayo

 COME, LET’S BE A MEMBERNi: Magnolia Calma & Kimberly Dela Justa Marso 2020 dumating sa Pilipinas ang pandemya kasabay nito ang mga mahihigpit na health protocols tulad ng pagbabawal ng …

p16d

Saan ka Pupunta? Sa Booster Shot Syempre!

Ang San Dionisio Credit Cooperative sa pakikipagtulungan sa Barangay San Dionisio Health Center ay nagsagawa ng COVID -19 Vaccination para sa 1st and 2nd dose (primary series), 1st and 2nd booster shot nitong August 11 & 25, Setyembre 28, Oktubre 5, at sa darating na Disyembre 16, mula 8am – 12nn sa ating SDCC Multi-Purpose Covered Court. Ito ay para sa unang dalawang daang katao (First Come, First Served). Ang adhikaing ito ay bukas para sa mga kasapi at hindi kasapi ng SDCC upang makatulong.

p15

Birtwal Oryentasyon ng Pook-Tulungan Lider

Nagkaroon ng ilang “Knowledge Check” sa pamamagitan ng mga palaro sa bawa’t pagtatapos ng isang paksa at may ebalwasyon galing sa mga kalahok pagkatapos. Ayon sa mga nakalap na katugunan, nakamit nito ang mga layunin, mahusay ang mga nagbigay ng pagsasanay, maraming mga mahahalagang impormasyon na natutunan at nakapagpaalala ng mga dating natutunan.

p11c

Bukas na muli ang Kiddie Corner!

Masayang ipinababatid ng San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) na bukas na muli ang Kiddie Corner (KC) upang tulungan ang mga kasaping mapagaan ang kanilang transaksyon sa SDCC kung may kasamang batang hindi maiwan sa kani-kanilang tahanan. May mga mapagkakatiwalaan at mapagkalingang Kiddie Corner Volunteers na naatasang tumanggap at magbantay pansamantala sa mga batang ito. Tiniyak ng Tagapamahalang may ligtas na lugar para sa mga bata na kung saan sila ay magkakaroon ng mga gawaing makatutulong sa pagkatuto at pagkamalikhain.

p10d

COOP NATCCO Party-List Namahagi ng Wheelchair

Nakatanggap ang limang (5) kasapi at apat (4) na kamag-anak ng kasapi ng San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ng mga wheelchair mula sa COOP NATCCO Party-List sa pangunguna ni Hon. Cong. Sabiniano S. Canama noong ika-01 ng Abril 2022.

p10

Mga Kasapi ng SDCC, Nakinabang sa TUPAD Program

Labis ang pasasalamat ng tatlumpu’t-anim (36) na kasapi ng SDCC sa COOP NATCCO Party-List at sa TUPAD Program ng DOLE dahil sa tulong nitong sampung (10) araw na trabahong paglilinis sa loob at kapaligiran ng mga tanggapan ng SDCC noon ika-9 hanggang ika-19 ng Marso 2022.