p17

Pamaskong Handog ng SDCC: Medical Mission

Sa panahon man ng pandemya o sa muling pagbabalik sa normal ng buhay, ang SDCC ay patuloy na naglulunsad ng mga serbisyong hindi lamang para sa mga kasapi nito pati na din sa buong pamayanan.

p16d

Saan ka Pupunta? Sa Booster Shot Syempre!

Ang San Dionisio Credit Cooperative sa pakikipagtulungan sa Barangay San Dionisio Health Center ay nagsagawa ng COVID -19 Vaccination para sa 1st and 2nd dose (primary series), 1st and 2nd booster shot nitong August 11 & 25, Setyembre 28, Oktubre 5, at sa darating na Disyembre 16, mula 8am – 12nn sa ating SDCC Multi-Purpose Covered Court. Ito ay para sa unang dalawang daang katao (First Come, First Served). Ang adhikaing ito ay bukas para sa mga kasapi at hindi kasapi ng SDCC upang makatulong.

p15

Birtwal Oryentasyon ng Pook-Tulungan Lider

Nagkaroon ng ilang “Knowledge Check” sa pamamagitan ng mga palaro sa bawa’t pagtatapos ng isang paksa at may ebalwasyon galing sa mga kalahok pagkatapos. Ayon sa mga nakalap na katugunan, nakamit nito ang mga layunin, mahusay ang mga nagbigay ng pagsasanay, maraming mga mahahalagang impormasyon na natutunan at nakapagpaalala ng mga dating natutunan.

p11c

Bukas na muli ang Kiddie Corner!

Masayang ipinababatid ng San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) na bukas na muli ang Kiddie Corner (KC) upang tulungan ang mga kasaping mapagaan ang kanilang transaksyon sa SDCC kung may kasamang batang hindi maiwan sa kani-kanilang tahanan. May mga mapagkakatiwalaan at mapagkalingang Kiddie Corner Volunteers na naatasang tumanggap at magbantay pansamantala sa mga batang ito. Tiniyak ng Tagapamahalang may ligtas na lugar para sa mga bata na kung saan sila ay magkakaroon ng mga gawaing makatutulong sa pagkatuto at pagkamalikhain.

p10d

COOP NATCCO Party-List Namahagi ng Wheelchair

Nakatanggap ang limang (5) kasapi at apat (4) na kamag-anak ng kasapi ng San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ng mga wheelchair mula sa COOP NATCCO Party-List sa pangunguna ni Hon. Cong. Sabiniano S. Canama noong ika-01 ng Abril 2022.

p10

Mga Kasapi ng SDCC, Nakinabang sa TUPAD Program

Labis ang pasasalamat ng tatlumpu’t-anim (36) na kasapi ng SDCC sa COOP NATCCO Party-List at sa TUPAD Program ng DOLE dahil sa tulong nitong sampung (10) araw na trabahong paglilinis sa loob at kapaligiran ng mga tanggapan ng SDCC noon ika-9 hanggang ika-19 ng Marso 2022.

p9

Mga Pagsisikap ng SDCC para sa Gender-Responsive Pandemic Recovery

Bilang suporta sa kampanya para sa Gender Equality and Women Empowerment (GEWE) na pinalalaganap sa buong bansa at buong mundo, nakilahok ang SDCC sa Philippine Commission on Women (PCW)-Organized Activities sa pagdiwang ng Buwan ng Kababaihan sa pamamagitan ng kasuotan o palamuting lila tuwing Martes noong Marso, at sa pamimigay ng SDCC 500ml Sinag Dishwasing Liquid sa mga naka-adornong gumawa ng selfie kasama si Nanay Issa (Brand Ambasadress ng SDCC) sa alinmang tanggapan ng SDCC.

p6 1

Induction at Oath-Taking ng mga Bagong Opisyales ng SDCC

Bilang pagsunod sa mandato, nagpulong ang mga kasapi ng Lupong Patnugutan, Lupon sa Awdit at Lupon sa Halalan sa loob ng sampung (10) araw matapos ang Pantaunang Pangkalahatang Halalan upang ihalal mula sa kani-kanilang bagong hanay ang kanilang mga opisyales sa pamamagitan ng “secret ballot”.

p4 a

Pangkalahatang Pantaunang Halalan ng SDCC Naganap!

Pito’t kalahating araw (mula Ika-21 hanggang ika-29 ng Marso
liban sa Linggo) ginanap ang Ika-61 Pantaunang Pangkalahatang
Halalan upang mabigyang panahon pa ang mga kasaping nagkaroon ng problema sa kaalaman sa paggamit ng bagong pamamaraan at problema sa koneksyon sa pagboto. Nag-ikot ang mga kawani ng SDCC sa iba’t-ibang Pook-Tulungan upang tulungan ang mga
kasaping nahihirapang bumoto. Sa pagtatapos ng huling araw ng botohan, matagumpay na naabot ang higit sa 2/3 (69%) na kinakailangang bilang ng boto.

61th Representative Assembly

Ika-61 Pantaunang Pagpupulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan

Halos 70% o 656 na mga Pook Tulungan Lider ang nakilahok sa Ika-61 Pantaunang Pagpupulong ng mga Kinatawan ng Pook-Tulungan gamit ang ZOOM Application noon ika-19 ng Marso 2022. Sila ay nakilahok sa pamamagitan ng kanilang masiglang pakikinig sa mga ulat at pagpapatibay ng mga inulat pati na ang mga iminungkahing pagbabago sa Articles of Cooperation at ByLaws. Masigla ring tinanggap ng mga dumalo ang mag inang Coop Ambassadress at Ambassador na sina Nanay Issa at Dondon nang sila ay ipinakilala sa lahat.