1. Updated sa pagbabayad ng utang   35%
2. Updated sa kanyang Share Capital (applied pro- rata)   25%
3. Mayroong kasalukuyang deposito sa Savings at/depositong may takdang panahon (Savings and/or Time Deposit)   20%
May partisipasyon sa alinman sa sumusunod (kahit isa sa loob ng isang taon Enero 1 – Disyembre 31) – Aktibidades ng kooperatiba – Mga pulong ng Pook-Tulungan -Pangkalahatang Halalan -Pagsagot sa mga survey o pagbibigayng mga  Suhestiyon na opisyal na isinumite sa koop  (hal. Concept paper, suhestiyono anumangmemo,   sa pasubalingnagpakilalaang nagsumite)   20%
KABUUAN   100%
PASSING GRADE   78%
Bilang pagbibigay konsiderasyon sa iba’t-ibang sitwasyon na kinakaharap ng bawat kasapi ay naglaan din ng mga “Bonus points” ang inyong Lupon na maaaring makatulong sa isang kasapi na maging MIGS: Isinagawa ng kasapi mula Enero1 hanggang Disyembre 31.
1. Nakapaghikayat siya ng delingkwenteng kasapi o mga kasapi na mag-update ng kanilang utang. 5%
2. Nakapangalap siya ng kahit isang bagong kasapi. 5%
3. Kadakaragdagang P5,000 matapos magkaroon ng P15,000 Share Capital. 2% subalit hindi hihigit sa 10%
4. Tumangkilik ng iba pang serbisyo maliban sa Planong Damayan, Savings at Time Deposits. 2% kada serbisyo hihigit sa 10%
5. Updated sa kontribusyon sa Planong Damayan 2%

Karagdagang patakaran:

  1. Ang pasadong marka para sa kabuuang bahagdan ng MIGS ay 78%.
  2. Ang “cut-off” sa pagtukoy ng MIGS ay simula Enero1 hanggang Hunyo 30 at Hulyo1 hanggang Disyembre31.
  3. Ang pagiging Non-MIGS ay maaaring mabago anumang oras matapos ang takdang “cut-off” sa pamamagitan pagsasaayos ng partikular na dahilan(criterion/criteria) pagiging Non-MIGS, at kinakailangang mag-apply ang kasaping “update” ng kanyang estado. Kinakailangang maipresenta ang MIGS notice bilang patunay ng pagbabago ng kanyang estado sa panahon ng pangkalahatang halalan o sa iba pang transakyonsa koop.
  4.  Ang pagdalong Pook-Tulungan Lider sa Special Representative at Representative Assembly ay hindi ikokonsidera bilang kanilang partisipasyon sa mga aktibidades ng kooperatiba.
  5. Ang mga sumusunod ay “exempted” sa partisipasyon/aktibidades ng koop.
    • Kasaping nasa ibang bansa sa panahon na ginanap ang anumang gawaing pang Koop;
    • Kasaping mayroong sakit sa panahon na ginanap ang anumang gawain ng Koop, sa pasubaling ito ay suportado ng dokumentong medikal
    • Kasaping may edad na 70 taong gulang pataas

Ang partisipasyon ng mga opisyales at kawani sa aktibidades ng koop (hal. Pulong ng mga komite o mga kawani, pagpaplano, kaganapan, asembliya at iba pa) ay ituturing na kanilang partisipasyon at ito ay patutunayan ng talaan ng mga dumalo.