Categories: News

Ika-61 Anibersarsyo ng SDCC

61st SDCC Anniversary
Ni: Sarah Len C. Canicosa 

Patuloy na nalalampasan ng SDCC ang mga pagsubok. Angkop na angkop sa tema ng taong 2022 na “Pagkakaisa sa Gitna ng Kagipitan, Susi sa Katatagan,” sa selebrasyon ng Ika-61 Anibersaryo nito, na isa na namang tagumpay sa kasaysayan ng SDCC. Nasa ikalawang taon nang isinagawa ang taunang selebrasyon ng anibersaryo sa pamamagitan ng online communication. Ang pagaala-ala ng pagkakatatag ng SDCC ay napakahalaga sa pagbabalik-tanaw ng mga kasapi at ng pamayan ng mga simulain ng Kooperatiba na nakapagpapaalab ng damdamin, at bilang isang institusyon, binabalik-tanaw rin kung paano ito nanatiling matatag sa gitna ng pandemya. Ang selebrasyon noong ika-28 ng Hulyo 2022 ay nagsimula sa Misa ng Pasasalamat na pinangunahan ni Rev.Fr. Mark Randy Beluso nang ika-8 ng umaga sa Punong Tanggapan ng SDCC. Nakiisa ang mga kasapi sa pamamagitan ng Facebook at Zoom. Ang pinakatampok sa kaganapan ay ang pagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga tauhan at kasapi para sa kanilang loyalty o pananatili sa SDCC.

San Dionisio Credit Cooperative continuously rises above adversities. This was aptly stated in the year 2022 theme of “Unity Amidst Adversity, Key to Sustainability” in celebration of its 61st Anniversary which was another successful milestone in SDCC history. It has been the second year of celebrating the annual anniversary online through electronic communication. Commemorating SDCC’S founding anniversary is very significant since it is the chance to remind the members and the community about the inspiring beginnings of the Cooperative, and as an institution, how it was able to maintain its sustainability, despite the pandemic. The celebration on July 28, 2022 started with a Thanksgiving Mass presided by Rev. Fr. Mark Randy Beluso at 8:00AM held at the SDCC Main Office. Members were connected via Facebook Live and Zoom. The highlight of the event were the awards and recognition of staff and members for their loyalty.

Bilang ng mga Kasaping Pinarangalan ay ang mga sumusunod:

• 25 taong pagiging kasapi (153 pinarangalan)
• 50 taong pagiging kasapi (120 pinarangalan)
• 65 na mga Namayapa nang mga PT Lider at Opisyal

Tauhang may Loyalty Award

• 10 taong paglilingkod – 8 tauhan
• 15 taong paglilingkod – 6 tauhan
• 25 taong paglilingkod – 1 tauham
• 30 taong paglilingkod – 1 tauhan

San Dionisio Credit Cooperative

Share
Published by
San Dionisio Credit Cooperative

Recent Posts

SDCC Member-Recruiter Orientation

Matagumpay na ginanap sa San Dionisio Credit Cooperative – Main Office ang Member-Recruiter at Sales…

2 years ago

Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative para sa mga nasunugan

Ang San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ay nagbahagi ng tulong para sa mga biktima ng…

2 years ago

SDCC Youth Study Visit – Lamac Multi-Purpose Cooperative

Nabigyang pagkakataong maglakbay-aral sa Lamac Multi-Purpose Cooperative sa Cebu ang mag-aaral ng EDSD na si…

2 years ago

12 Pamamaraan para Makapag-impok

Mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kahit na bumaba…

2 years ago

Ika-61 na Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan Idinaos

Matagumpay na nairaos ng SDCC ang ika-61 Pantaunang Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng…

2 years ago

San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly

Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba, ang ika-4 na Employees’ Assembly ng San Dionisio…

2 years ago

This website uses cookies.