Categories: News

EDSD Nagsagawa ng Pambungad na Palatuntunan: Orientation Program

EDSD Conducted an Introductory Program: An Orientation Program
Ni: Robert Cabauatan

 Idinaos ng Escuela de San Dionisio (EDSD) ang kanilang Orientation Program para sa mga magulang, tagapangalaga at mga mag-aaral nito noong ika-13 ng Agosto, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Livestream ng Escuela de San Dionisio – Paranaque City FB page. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa publiko hinggil sa mga patakaran, polisiya at mga programa ng paaralan sa pagbubukas ng taong panuruan 2022-2023.

Pinangunahan ng punong guro ng EDSD na si Gng. Alicia L. De Leon ang pagbubukas ng palatuntunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na pananalita. Sumunod ang pagtalakay sa mga mahahalagang paksa na may kinalaman sa mga pinapairal na patakaran, polisiya at programa ng paaralan na kung saan iba’t-ibang mga guro at empleyado ng EDSD ang naatasang magpaliwanag. Ipinakilala rin ang mga bumubuo ng Escuela de San Dionisio ngayong taong panuruan na sinundan ng isang malayang talakayan upang tugunan ang mga katanungan ng mga magulang na ibinahagi sa comment section ng livestream. Natapos ang programa sa pangwakas na pananalita ng butihing Chief Executive Officer ng EDSD na si Gng. Evelyn R. Luching na sinundan naman ng isang panalangin.

Naging matagumpay ang Orientation Program ng Escuela de San Dionisio ngayong taon dahil sa pagtutulungan ng mga guro at mga kawani at sa mahusay at epektibong pamumuno ng mga opisyales nito. Isang tagumpay ang pagbubukas ng taong panuruan, sapagka’t isang magandang simula ang sumasalamin sa tagumpay ng Escuela De San Dionisio sa hinaharap.

Escuela De San Dionisio (EDSD) conducted its Orientation Program for the parents, guardian and students last August 13, 2022 through its Facebook Livestream .This program aims to provide a public knowledge about the policy and programs of the school at the opening of the school year 2022-2023.

Mrs. Alicia L. De Leon, EDSD Principal led the Opening Remarks followed by the discussion of important matters in relation to enforced policy and programs of the school, whereby various teachers and staff were tasked to explain. The force behind the organizational structure of this school year was introduced followed by the free discussion to respond to the questions of the parents that was shared in the comment section of the livestream. The program ended with the closing remarks of the Chief Executive Officer of EDSD, Mrs. Evelyn R. Luching followed by a closing prayer.

The Orientation Program of Escuela de San Dionisio this year was a success because of the cooperation of its teachers and staff, and the efficient and effective leadership of its officers. The opening of the school year was a success because of a good start that reflects the future success of EDSD.

San Dionisio Credit Cooperative

Share
Published by
San Dionisio Credit Cooperative

Recent Posts

SDCC Member-Recruiter Orientation

Matagumpay na ginanap sa San Dionisio Credit Cooperative – Main Office ang Member-Recruiter at Sales…

2 years ago

Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative para sa mga nasunugan

Ang San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ay nagbahagi ng tulong para sa mga biktima ng…

2 years ago

SDCC Youth Study Visit – Lamac Multi-Purpose Cooperative

Nabigyang pagkakataong maglakbay-aral sa Lamac Multi-Purpose Cooperative sa Cebu ang mag-aaral ng EDSD na si…

2 years ago

12 Pamamaraan para Makapag-impok

Mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kahit na bumaba…

2 years ago

Ika-61 na Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan Idinaos

Matagumpay na nairaos ng SDCC ang ika-61 Pantaunang Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng…

2 years ago

San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly

Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba, ang ika-4 na Employees’ Assembly ng San Dionisio…

2 years ago

This website uses cookies.