Categories: News

Bukas na muli ang Kiddie Corner!

 Kiddie Corner Re-Opens!
Ni: Lolita Tungpalan

 Masayang ipinababatid ng San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) na bukas na muli ang Kiddie Corner (KC) upang tulungan ang mga kasaping mapagaan ang kanilang transaksyon sa SDCC kung may kasamang batang hindi maiwan sa kani-kanilang tahanan. May mga mapagkakatiwalaan at mapagkalingang Kiddie Corner Volunteers na naatasang tumanggap at magbantay pansamantala sa mga batang ito. Tiniyak ng Tagapamahalang may ligtas na lugar para sa mga bata na kung saan sila ay magkakaroon ng mga gawaing makatutulong sa pagkatuto at pagkamalikhain. Nagkakaroon din ng pagkakataong makisalamuha sa ibang bata habang ang magulang o guardian ay mapayapang nagagawa ang transaksyon sa opisina. Ang isa pangmabuting balita ay…may Kiddie Corner na rin sa mga Satellite Office sa Sucat at Las Piñas.

Isang paalala na ang tinatanggap sa KC ay ang mga batang may 3-10 taong gulang lamang ng mga kasaping may transaksyon. Bukas angKC mula Lunes hanggang Biyernes, ika- 9:00 ng umaga hanggang ika-5:30 ng hapon. Sa araw ng Sabado, ang KC ay bukas mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang mga sumusunod ang mga tagubilin at pamamaraan sa Kiddie Corner:
STEP 1 – Isulat sa porm na ibibigay ng volunteer ang inyong pangalan bilang magulang o guardian, ngalan ng bata, petsa, contact number. Pirmahan ang porm na may waiver.
STEP 2 – Kunin ang number tag na iaabot ng volunteer at isauli ito pag sinundo na ang bata.
STEP 3 – Iwan ang bata sa nakatalagang Kiddie Corner volunteer.

Mga Tuntunin:
1. Walang iiwan na cellphone o anumang gadget sa bata.
2. Bawal and pagkain o anumang inumin sa loob ng KC.
3. Bawal ang pagsusulat o paninira sa mga pader, aklat at mga kagamitan.
4. Walang laruan, aklat at anumang pag-aari ng SDCC/KC ang maaaring ilabas.
5. Iiwan ang sapatos sa labas o ilalagay sa shoe rack.

Ang bata ang pinagtutuunan sa KC kaya naman ang mga magagawa ng bata dito tulad ng pagbubuo ng building blocks, paglalaro ng mga kalaruan, pagkukulay, pagsusulat, pababasa at panonood ng mga educational shows ay nawa makadagdag sa kanilang masayang karanasan at kaalaman, pati na sa mga moral values na unti-unting naipaaabot ng mga volunteers sa tuwing may pagkakataon. Inaasam ng Pamunuan na mabuo ng mga kasapi at tumatangkilik nito ang “sense of ownership” o pagturing sa KC bilang kanilang pag-aari na kailangang panatilihing maayos at maunlad, kaya naman, ang pagbibigay ng feedback ay mahalaga upang malaman ang kagalingang naidudulot nito at kung paano pa itong higit na mapabubuti para sa mga bata.

San Dionisio Credit Cooperative is pleased to announce that the Kiddie Corner (KC) has reopened to assist clients bringing children they cannot leave at home as they undertake their transactions. There are committed and caring KC volunteers who are ready to handle the children. The Management made sure that there is a safe place for them where they can engage in activities that can enhance learning and creativity. Children also get the chance to mingle with other children while their parents/guardians are at peace while doing their transactions. One other great news is that, the Sucat and Las Piñas Satellite Offices already have their Kiddie Corners.

As a reminder, the KC accepts children aged 3-10 years old only of the transacting members. The KC is open from 9:00 am to 5:30 pm every Monday to Friday, and from 8:30 to 12:00 noon every Saturday.

The following are the procedure and rules in the Kiddie Corner:
STEP 1 – Fill out the form given by the volunteer with your name as parent or guardian, child’s name, date, contact number. Sign the form with waiver.
STEP 2 – Get the number tag handed by the volunteer and return it upon fetching the child.
STEP 3 – Endorse the child to the Kiddie Corner Volunteer.

Rules:
1. No cellphones or any gadgets may be left with the child.
2. Food and drinks are not allowed inside the KC.
3. Vandalism like writing or damage to the walls, books or things is prohibited.
4. No toys, books or any property of SDCC/KC should be brought out of the room.
5. Shoes should be left outside or placed in the shoe rack.

The child is the focus in the KC that is why it is hoped that by building blocks, playing with toys, coloring, writing, reading, and watching educational shows, the child may have a wonderful experience and have an increase in learnings including moral values that may be shared by the volunteers depending on circumstances.

It is the wish of Management for the members and the KC clients to have a sense of ownership as stakeholders to maintain the facility in proper order and to improve it even more, that is why feedback is welcome to determine its worth and how to make it better for the children.

San Dionisio Credit Cooperative

Share
Published by
San Dionisio Credit Cooperative

Recent Posts

SDCC Member-Recruiter Orientation

Matagumpay na ginanap sa San Dionisio Credit Cooperative – Main Office ang Member-Recruiter at Sales…

2 years ago

Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative para sa mga nasunugan

Ang San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ay nagbahagi ng tulong para sa mga biktima ng…

2 years ago

SDCC Youth Study Visit – Lamac Multi-Purpose Cooperative

Nabigyang pagkakataong maglakbay-aral sa Lamac Multi-Purpose Cooperative sa Cebu ang mag-aaral ng EDSD na si…

2 years ago

12 Pamamaraan para Makapag-impok

Mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kahit na bumaba…

2 years ago

Ika-61 na Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan Idinaos

Matagumpay na nairaos ng SDCC ang ika-61 Pantaunang Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng…

2 years ago

San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly

Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba, ang ika-4 na Employees’ Assembly ng San Dionisio…

2 years ago

This website uses cookies.