Categories: News

Pangkalahatang Pantaunang Halalan ng SDCC Naganap!

 SDCC Annual General Election Accomplished!
 Ni: John Loyd Belaos

Ang kaginhawahan ng digital na pagboto ay naisagawa ng mga kasapi kahit iyong mga nasa ibang bansa, sa pamamagitan ng 24/7 electronic communication gamit ang I-COOP portal
ng SDCC:

MGA NAHALAL SA IKA-61 PANTAUNANG PANGKALAHATANG HALALAN
Lupong Patnugutan
Electoral District I (2 ang nahalal)
– Normandy G. Jose (muling nahalal)
– Zenaida A. Alcantara (bagong halal)
Electoral District II (1 ang nahalal)
– Charlie A. Ramos (muling nahalal)
Electoral District III (1 ang nahalal)
– Garibaldi O. Leonardo, DBA (muling nahalal)
Lupon sa Halalan
– Jerry M. Santos
– Asuncion R. Santos
Lupon sa Awdit
– Maryrose N. Reymundo

Pito’t kalahating araw (mula Ika-21 hanggang ika-29 ng Marso liban sa Linggo) ginanap ang Ika-61 Pantaunang Pangkalahatang Halalan upang mabigyang panahon pa ang mga kasaping nagkaroon ng problema sa kaalaman sa paggamit ng bagong pamamaraan at problema sa koneksyon sa pagboto. Nag-ikot ang mga kawani ng SDCC sa iba’t-ibang Pook-Tulungan upang tulungan ang mga kasaping nahihirapang bumoto. Sa pagtatapos ng huling araw ng botohan, matagumpay na naabot ang higit sa 2/3 (69%) na kinakailangang bilang ng boto.
Maayos na naipatupad ang halalan sa pagtutulungan ng Tagapamahala, mga kawani at mga boluntaryo sa pangunguna ng Lupon sa Halalan na binuo nina G. Salvador V. Cuadrato, Tagapangulo, Gng. Rebecca A. Juaneza, Ikalawang Tagapangulo, G. Raul G. Guzman, Kalihim, Bb. Janice F. Caballero, Technical Staff at John Loyd B. Belaos, Support Staff. Nagbigay saksi at patunay sa kaayusan ng naganap na halalan sina Gng. Junelyn T. Cruz, Kalihim ng Lupon sa Awdit at Bb. Ma. Nanette D. Bernardo ng Audit Unit ng SDCC.

With the convenience brought by the digitalized election, members including those abroad were able to access through 24/7 electronic communication using the I-COOP portal of SDCC:

ELECTED OFFICIALS IN THE 61st ANNUAL GENERAL ELECTION
Board of Directors
Electoral District I (2 voted upon)
– Normandy G. Jose (re-elected)
– Zenaida A. Alcantara (newly elected)
Electoral District II (1 voted upon)
– Charlie A. Ramos (re-elected)
Electoral District III (1 voted upon)
– Garibaldi O. Leonardo, DBA (re-elected)
Election Committee
– Jerry M. Santos
– Asuncion R. Santos
Audit Committee
– Maryrose N. Reymundo

The 61st Annual General Election was held for 7 ½ days (Mar 21-29 except Sunday) from 5 ½ days to give more time for members with lack of technical knowledge or having connectivity problems to cast their votes. The staff dispersed among the Pook-Tulungan to assist voters having difficulty. On the last day more than 2/3 or 69% of votes needed was successfully achieved. The election was properly implemented through the cooperation of the Management, staff and volunteers as led by the Election Committee composed of Mr. Salvador V. Cuadrato, Chairperson, Mrs. Rebecca A. Juaneza, Vice-Chairperson, Mr. Raul G. Guzman, Secretary, Ms. Janice F. Caballero, Technical Staff and Mr. John Loyd B. Belaos, Support Staff. Proceedings of the election were witnessed and certified in proper order by Ms. Junelyn T. Cruz, Secretary of the Audit Committee and by Ms. Ma. Nanette D. Bernardo, head of SDCC’s Audit Unit.

San Dionisio Credit Cooperative

Share
Published by
San Dionisio Credit Cooperative

Recent Posts

SDCC Member-Recruiter Orientation

Matagumpay na ginanap sa San Dionisio Credit Cooperative – Main Office ang Member-Recruiter at Sales…

2 years ago

Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative para sa mga nasunugan

Ang San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ay nagbahagi ng tulong para sa mga biktima ng…

2 years ago

SDCC Youth Study Visit – Lamac Multi-Purpose Cooperative

Nabigyang pagkakataong maglakbay-aral sa Lamac Multi-Purpose Cooperative sa Cebu ang mag-aaral ng EDSD na si…

2 years ago

12 Pamamaraan para Makapag-impok

Mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kahit na bumaba…

2 years ago

Ika-61 na Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan Idinaos

Matagumpay na nairaos ng SDCC ang ika-61 Pantaunang Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng…

2 years ago

San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly

Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba, ang ika-4 na Employees’ Assembly ng San Dionisio…

2 years ago

This website uses cookies.