Let us help plan your future. SDCC has decades of experience guiding people in these decisions. We help members find life insurance that won’t break their budget.

Previous slide
Next slide

Mutual Aid Plan (Planong Damayan)

Layunin

  1. Makapagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga naiwan ng kasaping namatay.
  2. Makapagbigay ng ensentibo sa lahat ng kasapi at kapamilya ng kasapi na gumaganap ng kanilang tungkulin na nasasaad sa alituntunin ng SDCC.

Rasyonale ng bagong planong damayan

Upang matugunan ang mga puna sa naunang programa sa Planong Damayan, ang komite ng Planong Damayan ay nagsagawa ng pag-aaral na tumagagal ng humigit kumulang isang taon. Ito ay tumutugon sa mga pagbabagong katulad ng mga sumusunod.

  1. Pagkakaroon ng sariling pondo para lamang sa Planong Damayan.
  2. Pantay-pantay na benepisyo para sa lahat ng kasapi mahirap man o mayaman
  3. gawing isang plano lamang at hindi sampung plano na A hanggang J.
  4. Madaling maibigay ng buo ang benepisyo sa mga kasapi.
  5. mapabilis ang kasalukuyang pamamaraan ng Planong damayan.

Ano ang Bagong Planong Damayan

Ito ay isang uri ng tulong na pampinansiyal na ibinibigay ng San Dionisio Credit Cooperative sa kapamilya o naiwan ng kasaping sumakabilang buhay na nagpatala sa bagong Planong Damayan.

Kasapian:

Bukas at kusang-loob na pagsapi sa lahat ng kasapi ng San Dionisio Credit Cooperative. Ang isang kasapi ay kailangan makatugon sa mga sumusunod.

  1. Share Capital (Fixed Deposit)

→ Para sa mga bagong kasapi (New Members) na kabubukas pa lamang ng account at nakapaglagak ng halagang isang daang piso (Php 100.00) sa kanilang Share Capital.

→ Para sa mga kasaping walang pang dalawang libo at limang daang piso (Php 2,500.00) ang Share Capital subalit updated sa paghuhulog ng limampung piso (Php 50.00) kada buwan.

→ Para sa mga kasaping mayron dalawang libo at limang daang piso (Php 2,500.00) o higit pa sa kanilang Share Capital.

  1. Nakapagbayad ng buong enrollment fee na limang daang piso (Php 500.00).
  2. Paglagda ng isang kasapi sa patunay na pakikiisa at gawad ng kapangyarihan.
  3. takdang panahon upang magpatala sa bagong Planong Damayan.
    • → Para sa bagong kasapi g SDCC – isang taon mula sa pagsapi sa SDCC.
    • → Para sa dati nang kasapi ng SDCC – isang taon mula sa pagpapatupad ng bagong patakaran at alituntunin.

Halaga ng enrollment fee at kaukulang damay sa bawat kasaping namatay:

  1. Ang halaga ng enrollment fee ay lumang daang piso (Php 500.00).
  2. Ang mga kasaping naka enroll sa Php 500.00 enrollment fee ay magbabayad ng halagang Php 10.00 sa bawat kasaping mamatay na kasapi rin sa Planong Damayan bilang damay o abuloy.
  3. Ang mga kasaping dati nang naka enroll sa Php 5,000.00 enrollment fee ay hindi na kailangan magbayad ng Php 10.00 damay o abuloy sa bawat kasaping mamatay dahil ito ay pang habang buhay na.
  4. Ang halagang Php 4,500.00 mula sa naka enroll sa Php 5,000.00 ay isasauli sa panahong sumakabilang buhay na ang kasapi.
  5. Ang halagang Php 500.00 enrollment fee ay mananatili sa pondo ng Planong Damayan o non-refundable.

Pondo:

Ito ay bukod na pondo na manggagaling sa

  1. Enrollment fee ng mga kasapi ay tubo nito sa bangko.
  2. Konribusyon o damay ng mga kasapi.
  3. Pag-iiwan ng halagang dalawang libong piso (Php 2,000.00) sa pondo mula sa benipisyong ibibigay sa mga kasaping namatay na naka enroll sa bagong Planong Damayan.
  4. Tubo o interest ng reserve fund na nakalagak sa bangko.

Halaga ng Benepisyo

  1. Ang kasaping namatay na naka enroll sa bagong Planong Damayan ay makakatangap ng halagang Php 58,000.00 na benepisyo
  2. Ang kasaping hind naka enroll sa bagong Planong Damayan ay walang benepisyong matatanggap.
  3. Ang Lupong Patnugutan (Board of Directors) ang magtatakda ng pagbabago sa halaga ng benepisyong maaring tanggapin ng kasaping mamamatay.
  4. Kung sa hindi inaasahang pagkakataon, halimbawa ay may epedemya o sakuna at ang kabuang pondo ng planong damayan ay hindi sapat upang mabayaran ang mga benepisyo, ang limangpung porsiyento (50%) ng pondo ay hahatiin sa lahat ng namatay na kasapi ng planong damayan sa ganitong pagkakataon na ideklara ng kaukulang sektor ng gobyero, ang mga natirang mga kasapi ng Planong damayan ay hindi na kailangan bayaran ang kaukulang kontribusyon sa mga kasaping namatay, Ang natirang 50% sa pondo ang magsisilbing panimulang pondo ng Planong Damayan.

Makikinabang

  1. Ang makikinabang sa benepisyo ng kasaping namatay ay ang itinalaga sa patnubay na pakiiisa at gawad ng kapangyarihan.
  2. Kung walang itinalaga na makikinabang o beneficiary, batas ang siyang paiiralin.

Mga dokumentong kailangan upang makuha ang benepisyo

  1. Rehistradong Sertipiko ng pagkamatay (registered certificate).
  2. SDCC Libreta (passbook).
  3. SDCC I.D ng kasaping namatay.
  4. Anumang valid Identification ng makikinabang gaya ng:
    • → SSS I.D
    • → Driver’s License
    • → Employee’s I.D
  5. Marriage Contract and/or Birth Certificate ng makikinabang
  6. Sertipikasyon ng pook-tulungan lider o barangay captain (parehong optional) kung walang kahit anong valid identification.

Taning na panahon sa pagtanggap ng benepisyo:

Ang pagkamatay ng kasapi ay kailangan ipagbigay alam sa opisina ng SDCC sa loob ng isang (1) taon mula sa araw ng pagkamatay. Kung hindi naipagbigay alam sa takdang panahon, ang benepisyo ay mababaliwala at ito ay magiging bahagi na ng pondo ng Planong Damayan.

Pamamaraan ng pangongolekta ng Php 10.00 kontribution sa bawat kasaping mamatay:

  1. Direktang pagbabayad (direct payment) ng kasapi sa opisina.
  2. Pagbawas sa saving deposit account ng kaukulang halaga ng kontribusyon sa bagong Planong Damayan (automatic deduction).
  3. Pagbabawas sa loan net proceeds ng kasapi ang anumang kakulangan halaga ng kontribusyon sa Planong Damayan sa tuwing mangungutang ang kasapi.
  4. Pangongolekta ng field collector sa mga kasapi.

Karagdagang patakaran sa planong damayan:

Sa panahong sumakabilang buhay ang isang kasapi, ang lahat ng kakulangan sa kontribusyon para sa kasaping namatay (due/arrears) kung mayroon man ay ibabawas sa benepisyo matatanggap. Sa pagbabawas ng benepisyo sa beneficiary/(ies), ibabawas na rin ang anumang balanse sa utang ng kasaping namatay kung ito ay hindi covered ng planong abuluyan sa utang (social fund loan protection).

  1. Ang kaagad na pagbawas sa savings deposit account ng mga kasapi ng buwanang kontribusyon sa Planong damayan (automatic deduction).
  2. Pagpapadala ng collection notices sa tuwing ika-tatlong buwan (quarterly) sa mga kasaping may kakulangang kontribusyon sa Planong damayan.
  3. Pagpapadala ng final notice sa mga kasaping may kakulangan Php510.00 at higit pang kontribusyon sa Planong Damayan. Ang cut off period sa pagpapadala ng final notice ay tuwing ika-30 Hunyo at ika-30 ng Disyembre ng bawat taon.
  4. Ang kasaping nakatanggap ng final notice ay binibigyan ng anim (6) na buwan mula sa petsa ng pagkakatanggap, na bayaran ang kakulangang halaga na nakatala sa final notice.
  5. Matapos ang anin na buwang palugit at hindi pa rin nabayaran ang kakulangan halaga, matitiwalag ang kasapi sa pagiging miyembro sa Planong Damayan (termination of membership to Planong Damayan).
  6. Ang kasaping natiwalag na sa Planong Damayan ay maari pa rin muling mag enroll mula sa petsa ng pagkatiwalag sa pamamagitan ng sumusunod:
    • → Pagbabayad ng kasapi ng lahat ng kanyang kakulangan sa kontribusyon sa Planong Damayan (previous dues/arrears).
    • → Paglagda ng kasapi sa patunay na pakikiisa at gawad ng kapangyarihan.
    • → Pagbabayad ng kaukulang enrollment fee.

Ang patakaran sa Planong damayan ay maaring magkaroon ng mga pagbabago upang makatugon sa pangangailangan ng higit na nakakaraming kasapi.

EFFECTIVITY: JULY 01, 2006

Karagdagang patakaran sa Planong Damayan

A . Layunin:

Para sa lahat ng lumang kasapi na hindi pa nakapagpatala sa Planong Damayan, maari pa silang magpatala o mag-enroll, subalit kailangan bayaran ang mga sumusunod:

  • → Enrollment fee na Php500.00 at
  • → Penalty na Php1,000.00

Para sa mga naging kasapi na tinangap simula noong hulyo 1, 2007, ipapatupad ang mga sumusunod:

  • → Maaari silang mag-enroll sa Planong Damayan sa loob ng isang (1) taon mula sa petsa ng pagsapi na walang “penalty”.
  • → Paglipas ng isang taon na taning, mayroong isang taong ektensyon para sila makapagpatala, subalit kailangan magbayad ng Php1,000.00 penalty.
  • → Halimbawa: Ekstensyon ng enrollment na kailangan bayaran ang Php1,000.00 na penalty bukod pa sa enrollment fee.

Ang Php1,000.00 na penalty na babayaran ng kasapi ay magiging bahagi ng Planong Damayan Fund.

EFFECTIVITY: HULYO 1, 2008

Co-op Loan Protection Plan (Planong Abuluyan)

  • → Layuning : Maisiguro ang utang ng mga kasapi.
  • → Pamamaraan: Lahat ng kasaping umuutang ay binabawasan ng Planong Abuluyan sa utang. Kapag ang utang ay babayaran sa loob ng isang taon (1) – 1%; isa (1) hanggang tatlong (3) taon – 1.30%; at tatlong taon (3) pataas – 1.70%.
  • → may ilang utang ang hindi nasasakop ng planong abuluyan sa dahilang walang karampatang halaga ang kinakaltas dito. Ito ang Medicine/Consumer Loan, Rice Loan at IMS Healthcare Loan.
  • → Kung ang kasapi ay namatay ng may natitira pang utang ay ito ay “updated” ang natitirang balanse ng utang ay nangangahulugang bayad na.
  • Halimbawa:

Release of loan : January 29, 2019  
Terms of Loan 1 Year  
Amount of Loan Php 120,000.00  
Monthly Amortization Php 10,000.00 + interest  
1st payment feb 29 Php 10,000.00 + interest Balanse Php 110,000.00
2nd payment mar 29 Php 10,000.00 + interest Balanse Php 100,000.00
Member died april 29 Amount covered by CLPP Php 100,000.00  

  • → Kung ang kasapi ay namatay at ito ay hindi “updated” sa pagbabayad ng utang, ang balanse ng utang na dapat ay bayad na bago mamatay ang kasapi ay hindi sasagutin ng planong abuluyan at ito ay ibabawas sa deposito at anumang benepisyo na makukuha niya sa Kooperatiba.
  • Halimbawa

Release of Loan : January 29, 2019  
Term of Loan : 1 year  
Amount of Loan : Php 120,000.00  
Monthly Amortization Php 10,000.00 + interest  
1st month feb 29 Php 10,000.00 + interest Balanse 110,000.00
2nd month mar 29 Php 10,000.00 + interest Balanse 100,000.00
3rd month apr 29 Php 10,000.00 + interest Balanse 90,000.00
4th month may 29 no payment Balanse 90,000.00
5th month June 29 no payment Balanse 90,000.00
6th month July 29 Member died Balanse 90,000.00

  • → Ang halagang sasagutin lamang ng CLPP ay Php 70,000.00 at ang Php 20,000.00 ay ibabawas sa deposit at benepisyo ng kasapi.
  • → Character Loan is already covered by Co-op Loan Protection Plan (CLPP)