Categories: News

Ika-61 Pantaunang Pagpupulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan

61st Annual Representative Assembly
Ni: Janice Caballero

Halos 70% o 656 na mga Pook-Tulungan Lider ang nakilahok sa Ika-61 Pantaunang Pagpupulong ng mga Kinatawan ng Pook-Tulungan gamit ang ZOOM Application noon ika-19 ng Marso 2022. Sila ay nakilahok sa pamamagitan ng kanilang masiglang pakikinig sa mga ulat at pagpapatibay ng mga inulat pati na ang mga iminungkahing pagbabago sa Articles of Cooperation at ByLaws. Masigla ring tinanggap ng mga dumalo ang mag-inang Coop Ambassadress at Ambassador na sina Nanay Issa at Dondon nang sila ay ipinakilala sa lahat. Habang naghihintay ng korum sa ganap na 1:00 ng hapon, ginawa itong kasiya-siya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palarong “Spin-a-Wheel” kung saan ang mga nabunot na pangalan ng mga naunang nag-log-in ay pinagkalooban ng mga vouchers upang makabili sa alinmang branch ng Botica De San Dionisio na nagkakahalagang P250.00. Nagkataong kasabay ng Selebrasyon ang Women’s Month o Buwan ng Kababaihan, kaya lalong sumigla ang mga pangyayari dahil walong (8) babaeng kinatawan ng PT ang nabunot na makatanggap ng 500 ml na SINAG Dishwashing Liquid at tatlo (3) pang kababaihan ang nanalo ng tig-iisang GLAFI Insurance na may premium na P300.00. Sakop ng insurance na ito ang Accidental Death, Disablement at Dismemberment na P15,000.00, Unprovoked Murder & Assault na P25,000.00; Cash Burial due to Accident P15,000.00, Death due to Natural Causes P5,000.00 at Fire insurance para sa nilalaman ng tahanan na nagkakahalaga ng P100,000.00. Naging hudyat na magsisimula na ang Ika-61 Taunang Pagpupulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan nang maipahayag na naabot na ang korum noong 1:37 ng hapon. Naganap ang mga karaniwang isinasagawa na Pambungad na Panalangin, Pambansang Awit, Panunumpa sa Kooperatiba, na sinundan ng SDCC’s Life Purpose, Pananaw at Misyon ng SDCC at Himig ng SDCC. Nagkaroon din ng Roll Call ang Kalihim ng Lupon na si Gng. Ofeliza V. Martinez, sa mga nasa korum na nagsimula sa bilang na 523 PT Lider (55%). Pagkatapos nito ay ang Mensahe ng Tagapangulo na si Dr. Garibaldi O. Leonardo na sinundan ng paglalahad ng Adyenda. Ang Adyenda ay siya ring napag-usapan sa “General Assembly through Pook-Tulungan District Recessing from Time to Time” na mga pagpupulong sa iba’t-ibang Pook-Tulungan sa kada Distrito. Umabot sa 656 ang mga PT Lider ang nakalahok noong kalaunan. Sa Bukas na Talakayan o Open Forum nagkaroon ng linaw ang mga katanungan ng mga PT Lider. Marami rin ang nagbigay ng mga komento at mungkahi para sa ikagagaling ng Kooperatiba. Iminungkahi ni Bb. Victoria Del Valle ng PT 37A ang pagpapatibay ng kapulungan na pinangalawahan ni Bb. Dorotea Dela Cruz ng PT 1C. Sa pagtitindig ng pagpupulong si Bb. Rafaela Abesamis ng PT 66A nagmungkahing itindig na ang pulong at pinangalawahan ni Gng. Myrna Vale ng PT 58B.

Almost 70% or 656 Pook-Tulungan (PT) Leaders participated in the 61st Annual Representative Assembly via ZOOM Application last March 19, 2022, by actively listening to the accomplishment reports and their approval of the proceedings of the meeting which included the Proposed Amendments to the Articles of Cooperation and By-Laws. Everybody cheered and welcomed the mother-and-son Coop Ambassadress and Ambassador, Nanay Issa and Dondon, as they were introduced. While waiting for the attendees’ quorum at 1:00 pm, the time was made enjoyable through “Spin-a-wheel” games where names drawn from early registrants were awarded with voucher worth P250.00 to purchase goods from any Botica De San Dionisio Branch. The event coincided with Women’s Month Celebration, that is why it became more exciting when eight (8) women PT representatives were picked to receive SINAG Dishwashing Liquid and three (3) more women won 1 GLAFI Insurance each, which has a premium of P300.00. The insurance coverage includes Accidental Death, Disablement and Dismemberment of P15,000.00, Unprovoked Murder & Assault of P25,000.00, Cash Burial due to Accident P15,000.00, Death due to Natural Causes P15,000.00 and Fire insurance for household contents P100,000.00. The announcement of the quorum at 1:37 pm, signaled the official start of the 61st Annual Representative Assembly with the routine program of: Opening Prayer, National Anthem, Cooperative Pledge, SDCC’s Life Purpose, Vision and Mission and SDCC Hymn. This was followed by the Roll Call of the 523 PT Leaders (55%) in quorum by the Board Secretary, Mrs. Ofeliza V. Martinez, then the Message from SDCC Chairperson, Dr. Garibaldi O. Leonardo and the presentation of the agenda which was also taken up during the General Assembly through Pook-Tulungan District Recessing from Time to Time. Attendance eventually reached 656 PT Representatives. During the Open Forum, many representatives had their questions clarified. Comments and suggestions were raised for the improvement of the Cooperative. Ms. Victoria Del Valle of PT 37A proposed the approval of the meeting which was seconded by Ms. Dorotea Dela Cruz of PT 1C. Ms. Rafaela Abesamis (PT 66A) initiated the adjournment of the assembly which was seconded by Mrs. Myrna Vale of PT 58B.

San Dionisio Credit Cooperative

Recent Posts

SDCC Member-Recruiter Orientation

Matagumpay na ginanap sa San Dionisio Credit Cooperative – Main Office ang Member-Recruiter at Sales…

2 years ago

Tulong ng San Dionisio Credit Cooperative para sa mga nasunugan

Ang San Dionisio Credit Cooperative (SDCC) ay nagbahagi ng tulong para sa mga biktima ng…

2 years ago

SDCC Youth Study Visit – Lamac Multi-Purpose Cooperative

Nabigyang pagkakataong maglakbay-aral sa Lamac Multi-Purpose Cooperative sa Cebu ang mag-aaral ng EDSD na si…

2 years ago

12 Pamamaraan para Makapag-impok

Mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kahit na bumaba…

2 years ago

Ika-61 na Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng mga Pook-Tulungan Idinaos

Matagumpay na nairaos ng SDCC ang ika-61 Pantaunang Espesyal na Pulong ng mga Kinatawan ng…

2 years ago

San Dionisio Credit Cooperative – 4th Employees Assembly

Kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba, ang ika-4 na Employees’ Assembly ng San Dionisio…

2 years ago

This website uses cookies.